Filed under: Uncategorized
nov.8,2008 9:25 am
Walang magawaboring oo boring!Ewan ku bat ang emote ku ngayong araw? Gusto ko mag lungkot-lungkotan. Tapus ayon nga naisip ko gawa nalang ako ng blog na walang ka kwenta kwenta. Di ko nga alam sasabihin ko dito eh? Ewan ko tipong type lang ng daliri ko pindotin pindotin yung keyboard. Bahala na kong ano pumasok sa isip ko yun nalang isusulat ko. Pero ano nga ba nasa isip ko ngayon? Tipong wala din naman kasi talagang laman utak ko sa mga oras na to, ano ? Naprapraning nanaman ako? Eto nanaman yong mood ko na di ko maintindihan, nakakairita na rin naman talaga minsan no? Ni hinde ko nga alam kung ano ba talaga balak kong gawin dito sa tapat ng pc na to eh. Parang feeling ko lahat na nagawa ko na, gusto kung matulog na pero di pa ko inaantok! adik di ba ? Ewan ko kung dahil ba to sa kape na ininum ko pa kaninang mga alas dose ng gabi o may iniisip lang talaga ako? Kung meron man sino naman diba? Bat ku siya iniisip? Anu ba meron sakanya? Plastik no? Kunyari di ko alam kung sino man yon. Praning nga eh. Oo siya nga pero di naman lahat siya talaga parang halo halo na pumapasok sa isip ko, may gusto akong sabihin may gusto akong gawin pero di ko alam kung ano, di ko alam kong papano sisimulan? Kelangan ko ng kausap ngayon o kaya naman ng tulog baka kulang lang to sa tulog. Hay buhay nga naman no? Sa dami ng gusto mong gawin, ng gusto mong unahin di mo alam kung pano sisimulan ng tama, dapat pag isipan mabuti kasi mamaya mag ka mali ka sa mga desisyon mo. Ayon may pumasok sa utak ko. Tungkol to sa mga ali’t-alitan na yan. Naranasan mo na ba yong feeling na napapagod kana? Yung tipong nakakasawa na may ka palitan ng mga maanghang na salita? Siraan dito, plastikan doon, kalkal ng baho diyan, hanap kakampi kung saan saan. Yung may makakasalubong kang kagalit mo tapos iirapan ka niya? O kaya naman may bigla nalang lalapit sayo at raratratan ka ng kung ano-ano? Di ba pumasok sa isip mo na? Anu ba ? Kelan ba matatapos to? Kelan kayo mapapagod? Kasi ako ganon na ngayon eh. Nag sasawa na ko sa kung ano-anong eksena ng lipunan. Seryoso gusto ko na ng tahimik na buhay. Yung tipong wala ng mag tatanong Ay bakit kayo nag ka galit?” o kaya may mag susulsol ng “nako, oo nga tama ka naman.” tapus makikisali na. NAKAKASAWA! Hindi ko narin alam kung san san nag simula yang away na yan kung anu puno’t dulo kung ano problema niya sakin ayoko ng alamin pa. Ang gusto ko lang maayos na ang lahat ng bagay. Hayaan nila akong mamuhay ng payapa! Sino ba may gusto ng may kagalit? Ikaw gusto mo ba? Yung tipong nasa isip nung taong yun. “sana mamatay kana?” aruy sinumpa kana no? Ewan ko kung ano ng yayari sakin. Pero tingin ko ngayon kababawan nalang patulan ang mga bagay na walang saysay. Tama naman di ba? Wala namang talagang saysay aksayahin ang oras para lang makipag bungangaan makipag ngitngitan sa isang tao? Kung ako sayo? Kumain kanalang o kaya matulog kesa patulan pa yang mga yan. Mag sasawa rin yan eh Kasi naman sasabihan mo ng mababaw siyang tao eh mababaw karin kasi pinatulan mo tapus sige parin ang banat mo ng mga salita kahit sabi mo di mo na papansinin parang tanga no? Padala kasi sa galit. Parang nakaka ewan din eh. Basta! Ayon nga pag may humingi sayo ng tawad patawarin mo nalang. Kasi di kanaman diyos para di mag patawad. Hindi naman sa banal banalan ka, kaya lang mas masarap ang buhay kong tahimik ang lahat ata alam mo wala kang ginagawang masama sa kapwa mo. Tama ba?